Tuesday, August 18, 2009

MANLILIGAW :)


naranasan mo na bang maligawan?

oh? pramis? di nga?

ako kasi, sa kasamaang palad oo.

(di niyo tinatanong)



topic natin for today is about sa mga iba't ibang klasi ng manliligaw at iba't ibang pamamaraan ng pagjajaporms. :)

ayus ba tau dun? (aus!)



MGA MANLILIGAW (bow)


TAONG BIBIG

napakamabulaklak ng pananalita. na dumarating ang point na hindi na nagiging hardin ang bibig sa halimuyak ng mga salitang lumalabas sa kanyang bunganga. (lol*) sila yung tipo ng taong sasabihin sayo mahal ka, pero di naman nila kayang gawin. tapos nagtatampo pa sila pag nabusted sila. pano naman kaya nu, kung pwede lang iistapler ang bibig nila para nagbabody language nalang sila. atlis ginagawa nila di ba. di puro dakdak.



KURIPOT TO THE MAX

yan yung mga taong kahit centimo di nila mailabas. gusto pa ata nila yung nililigawan nila yung manlibre at magdate sakanila. hayyy nako. ang kapal ng libag! (wahaha*)



BIGAY NG BIGAY

sila naman yung kahit mangutang sila ayos lang basta makapagbigay sa nililigawan. kulang nalang ibigay nila bahay, lupa, sasakyan at nanay at tatay nila. sama mo nadin yung mga kapatid niya! kala mo kung sinong mayayaman pero pag nakuha na nila ang matamis mong OO, ikaw na lahat gagastos magmula nun. kawawa ka naman.



BOY ANGAS

sasabihin sayo, "samin ang ...", "tito ko si president...", "pinsan ko si... yung sa tayong dalawa" at etsetera. ikaw namang baliw super mangha ka. bakit tingin mo pagnamatay mga ninuno niya, magkakaporsyento ka sa kayamanan nila? NO WAY! feeling mo nun? kumabit kay pacman?



FEELING GWAPS

ay nako. sila ang mga kinaiinisan ko. ayos lang sana kung talagang gwapo sila e. problema nga lang HINDI! ang masama pa nito FEELING NILA OO! solid! may topak ata mga mata nila eh. 1000 1000 na grado ng mata nila. tapos sasabihin sayo "wala ka ng mahahanap na katulad ko!"

(talagang wala! dahil lahat sila mas pogi sayo! 'lol!) ano sila ngaun ha? (gusto ng mangaway*)



TOPRE TORPEHAN

sila ang kanaliktaran ng pakipot. pagkatext at kachat mo andaming alam sabihin. kahit wala na sa earth, sasabihin parin nila. pero pag kaharap mo, anjan ka, nanjan siya. DEDMA. parang di ka niya kilala. (ay parang si ano!* aha!)



SHY TYPE

ayy. parang yung torpe lang yan. mas maganda naman sakanila SHY talaga sila. yung tipong pagkatext mo, isasagot lang nila... "ahhh..", "oo nga...", "hindi pa...", "ikaw?" ay nako parang binabayaran yung every letter na itetex! sabagay sayang yung unli. (huh?*)



STARTER

hanggang umpisa lang sila, tignan mo man, kung ngayon, sinasamahan ka pa nilang pumasok and lumabas, pinangbabayad ka pa sa jeep, tinatawagan ka pa everynight, tinetext ka pa every min., next week lang wala na. bakit kaya ganun no? pwede naman siguro nilang sabihin na ayaw na nilang manligaw, or naiinip na sila. di yung parang mawawala na lang silang parang bula. di ba. WEIRD.



BANAT KING

pinakanakakatuwang manliligaw. sila yung tipong magsesearch pa sa internet ng mga banat para lang may maibanat sa mga nililigawan. dapat sagutin mo yung banat eh, di sila. or kung sino man yung nakaimbento ng banat na yun. UNFAIR yun ah! piniga-piga pa nila utak nila para makaisip ng banat tapos kukunin lang ng iba? (gosh*)



ISIP BATA

uunahin nila kapakanan nila bago ang sayo. PRAMIS. kunwari, sasabihin nilang di nila madadala karga mo kasi patpatin sila. or di ka niya nasabayan pumasok kasi nagdota pa siya. di ka niya natawagan kasi natulog na siya. di siya nagrereply kasi kumakain siya. ewan ko ba. kung di pa sila ready sa responsibility, edi wag muna silang manligaw. wala namang rule na kapag 18 ka na at wala ka pang jowa, mamamatay ka na.











ayan. di nanaman gumagana utak ko.

wala na naman siyang maisip.

sa susunod nalang ulit. BOOBAY!

No comments:

Post a Comment