Friday, September 18, 2009

PASKO NANAMAN



pasko nanaman o kay tulin ng araw
paskong nagdaan tila ba kung kailan lang...

hayyy. naaamoy ko na ang simoy ng pasko.
hmmmm.. (inaamoy) yak! amoy kahapon! aha


ewan ko ba, pero pag nasa BER months na, naeexcite nako.



what do we usually do on Christmas ba?

CHRISTMAS DECORATIONS
ilabas mo na ang tinatago tago mong box. yung box na kung saan tinatago tago mo ang iyong christmas tree. yung christmas tree na isang decada mo ng ginagamit. xempre nakapamili ka na rin ng christmas balls na ibat ibang laki. at yung kulay nila aayon sa magiging lucky color next year. at di pahuhuli ang bituin sa tuktok ng puno. lalo na ang mga kumikislap kislap na mga christmas lights na nakapalibot sa buong christmas tree. aha! meron pa! di lang naman christmas tree ang palamuti natin. nanjan din yung picture ni santa clause sa pinto. mga nakapalibot na christmas lights sa labas ng bahay. mga parol sa terrace at mejas na nakasabit. pabonggahan ang labanan. walang magpapatalo sa paramihan ng decorasyon. pagdating ng bill ng kuryente nun, uhmm.. well.. ur such a loser yaya! aha! aus lang yan! minsan lang naman eh. aha. :D


MAG"EMOTE"
haha. well sa mga malalamig lang ang pasko yan. aha. pero dahil nasa pilipinas tayo, uhm.. kunware nalang emo. (para masaya. tawa tawa) sa dinamidami kasi ng tao sa mundo, bakit ikaw pa ang walang kapares? hayy. (iyak iyak) well atleast may advantage yan, konti lang bibigyan m ng regalo diba. sa kasamaang palad, konte lang ren ang matatanggap mo. how sad. lol. :D

SIMBANG GABI
sabi nila pag nakumpleto mo yung simbang gabi, magwish ka daw, at matutupad yun. kaya siguro mas maraming nagsisismba nun noh? ksi pag ordinaryong simba lang, di man nakakalahati ng mga tao ang mga upuan ng simbahan. pero pag simbang gabi yung mga tao umaabot sa daan! kaya tuloy napipilitan maghanap ng ibang dadaanan mga sasakyan.

NOCHE BUENA
mas maganda parin simulan ang pasko na magkakasama sama kayong mag-anak. sama sama kayong kakain ng niluto niyong ham, spagetti at fruit salad. tapos pag busog na, matulog na, mas nakakapagod yung mangyayari kinabukasan.

IHANDA ANG MGA REGALO
hala sige! pumunta ka na sa mga mall na super big sale! kasi sandamakmak ang mga reregaluhan mo. nanjan si nanay, tatay, unang ate, pangalawang ate, pangatlong ate, unang kuya, pangalawang kuya, pangatlong kuya, si panganay at si bunso. humahabol din sina lola at lolo sa nanay at lola at lolo sa tatay. isali narin ang mga pinsan sa side ng nanay at mga pinsan sa side ng tatay. nanjan din ang mga pamangkin mo sa mga pinsan at kapatid mong nagsipangasawa na. sa pagbukas ng klase ulet sa enero, bibigyan mo pa ng regalo ang mga kaibigan at guro mo. hayyy! ang dame! wag ka nalang mamigay! aha!


MAGHANDA NG MAGANDANG SUSUOTIN
ewan ko ba tayong mga pinoy, bakit di kaya tayo kano? (huh?) aha. bakit kaya nakaugalian natin magsuot ng bagong damet pag pasko? feeling ko tuloy pag pasko dumating ang presidente. o kaya may kinasal. at lahat ng tao invited. sobrang gara ng damet. parang may competition. para namang may prize? naku. aha. natatawa nalang ako minsan sa mga bata, para silang manika kung bihisan ng mga nanay nila. kaya aun tuloy, mukha silang bagong binyag. ahaha!

MAGHANDA NG HANDA
huh? ano daw? ah basta dapat may pagkain sa lamesa. gaya ng ispageti at dessert syempre. kasi minsan, may bigla nalang papasok sa bahay niyo para makikain, kahit di mo naman kakilala. ahaha.

IHANDA ANG MGA BARYA
para yan sa mga bulilit na basta nalang papasok sa bahay niyo at manghihingi ng aguinaldo. kahit minsan di ka nya kilala at di mo siya kilala. tpos sa new year, kung di naubos ang barya, itago mo sila kahit saang sulok ng pilipinas, hayaan mong hanapin ng mga anak, pamangkin, apo, apo sa tuhod at apo sa talampakan mo. kasi kahit makakita lang sila ng limang piso, masaya na mga yun. aha!


IHANDA ANG AGINALDO
ihanda na ang malulutong na salapi. para sa mga inaanak talaga yan. yung tunay ah, di yung mga nagpapanggap. tapos lagay mo dun sa pulang sobre. para surprise kung magkano matatanggap nila. lagyan mo ng pangalan para di magkawalaan. tapos, pag may nakalimutan kang bigyan, nanjan pa naman ang mga barya! aha.


MAGDALA LAGI NG WALLET.
coin purse para sigurado. ksi im sure very sure, mas marami pa ang matatanggap niyong barya kesa sa papel. aha!

MAGBAHAY-BAHAY
maniwala kayo sa kasabihang "the more the merrier". kahit di mo na kakilala yung binibisita mong bahay magbaka-sakali ka paring mabigyan nila. nakakainis lang minsan ang tagal tagal mong naghihintay ng aguinaldo, limang piso lang pala yung iaabot sayo! and take note! yung tigbebentisingko pa na nakatape ang matatanggap mo! hassle!!

EXCHANGE GIFTS
bakit kaya ganun? tama ba yun? (ang alin?) aha. sa hirap ng panahon ngayon, kailangan magpakasigurado. dapat, kung may bibigyan ka, may tatanggapin ka rin. ang mahirap lang, ang ganda ganda ng binigay mo, tapos, matatanggap mo, yung tipong aus lang. kaya ayun, natuto ka ng lesson, at alam mo na next year ang dapat mong gawin. lintik lang ang walang gante! bwahahahaha!

MAGINUMAN
napansin ko lang ah. jan natatapos ang pagcecelebrate naten ng pasko. xempre after mong magpakalasing, k.o ka na. at magigising ka nalang kinabukasan. di na pasko un no. aha. tapos habang nagiinuman, maririnig mo mga tita at tito mo, ikukwento nila ang napakahaba nilang talambuhay. kawawa ka naman, di mo man makwento buhay mo, dahil hindi ka makasingit. tsaka hello! alam na nila yun! aha!





--yan ang mga kadalasan ginagawa pagsapit ng pasko.
wala na akong maisip ulet. 1kb lang kasi memory ng utak ko e. at masyado na itong puno kaya naghung na siya.
bwahaha.



sa susunod nalang ulet. :D

No comments:

Post a Comment