
ito na siguro ang pinakawalang kwentang blog sa balat ng aso. aha
bakit ko nasabi yun?
simple lang.
dahil napakalaking walang kwenta din ng otor nito. :)
ano nga bang magandang talakayin sa mga ganitong blog?
alam ko na!!!
(tadan!)
edi mga walang kabuhay buhay na pangyayari na nagaganap sa pangaraw-araw na gawain.
tulad ng ano?
umpisahan natin ngayon:
BAKIT PA TAYO NABUBUHAY KUNG MAMATAY DIN TAYO?
aba malay ko! tanong niyo kay BRO. :) kung ayaw mo ng mabuhay edi magsuicide ka! walang pumipigil sayo. pero kung patay ka na at gusto mo ulit mabuhay... ah well,... NEXT QUESTION PLS! (kindat*)
oo. alam ko. masarap mabuhay sa mundong ito. bakit ko na iniisip yung patay patay? DI KO RIN ALAM. (kunware malungkot*)
BAKIT KAILANGAN SA UMAGA TAYO GISING AT HINDI SA GABI?
(hindi nararapat na tanong para sa mga nagtatrabaho sa dilim)
simple lang ang sagot ko diyan siguro ay dahil mas tipid ng kuryente pag umaga. di mo kailangan ng ilaw mula sa bombilya. HALERRR. ang liwanag kaya ng buhay! (meralco) ESTE ng araw. DUH. *note* ang utak ay hindi display sa ulo lamang.
nakapagpatuyo ka na ba ng labada sa ilalim ng buwan? (try ko nga minsan)
nakakita ka na ba ng multo sa katirikan ng araw?
narape ka na ba sa kalagitnaan ng araw?
DI PA NO? ako din di pa eh.
BAKIT PA NATIN KAILANGAN KUMAIN?
kawawa naman yung mga alaga natin sa tiyan kung di tayo kakain. minsan kailangan natin bawasan ang pagkamakasarili natin at simulan ng isipin ang iba. tsaka kung di tayo kakain, para san pa ang mga palay sa bukirin? hayop sa dagat at lupa? prutas sa puno? at fishball kikiam sa kalsada? at balot penoy sa gabi? di ba? sayang lamang sila. (gusto ng umiyak*)
BAKIT KAILANGAN PA NATING MAG-ARAL?
kailangan nating mag-aral dahil...uhm...siguro...marahil...(di makapagisip*)
AHA! kung di tayo mag-aaral, wala tayong baon.
walang laman ang mga mol. walang pasahero ang mga jeep. walang kalat-kalat sa daan. walang tatahiin na uniporme ang mga mananahi. kawawa naman maraming mawawalan ng trabaho.
at higit sa lahat sayang ang chance na makita natin ang mga iniirog natin. (kilig*)
BAKIT KAILANGAN PA NATING MAGPOO POO?
ano ka halaman? at kailangan mo ng mga nabubulok na bagay para lumaki? GOSH!
poopoo nalang pinagdadamutan mo pa! bigay mo nayan sa iba! sa halaman, sa aso, sa langaw at iba pa. minsan gumawa ka naman ng kawanggawa sa buhay mo.
BAKIT KAILANGAN DIN NATING UMIHI?
gusto mo bang maging paktori ng iba't ibang klasi ng inumin yang katawan mo? yung tipong kulang nalang saksakan ka nila ng gripo at pagkatapo nun ay makakainum na sila sayo kung kelan nila gusto? hayyyyyyy. kawawa sila.
BAKIT KAILANGAN PA NATING UMINOM?
ito ang pinakamadaling paraan ng pagpapakamatay. kumain kang marami para mabilaukan ka. tapos wag kang uminom nun. hayaan mong mahirapan kang huminga. at pagkatapos... tadan! dedo ka na kapatid! paalam. (friendly reminder*)
BAKIT KAILANGAN PA NATING MALIGO? MAGSABON? MAGSHAMPOO?
ligo lang? KULANG! o sige wag ka ng maligo, wag ka ng masabon, wag ka na ding magshampoo para hinahabol habol ka ng mga fans mo nun. MGA LANGAW! ahaha. EWE! MOM EWE! (ruffa?) kadiri! ahaha. maligo ka kahit twice a month lang. kinsenas ganun. HAVE A BREAK HAVE A KITKAT. (uy endorser!) mahiya ka sa mga katabi mo!
BAKIT KAILANGAN NATING MAGTOOTH BRUSH?
sabagay. mas bongga kung hindi. kasi may FREE BRACES ka nun! oh diba. (ang saya*)
kaya lang kung di ka magtututbras, halata yung kinain mo last week! what if ulam mo nun tuyo? di ka ba mahihiya nun? sabagay ano naman ba ang nakakahiya dun? ang sarap kaya ng amoy ng tuyo! isali mo pa ung kinain mo nung lunes, marets, miyerkules, huwebes, biyernes, sabado at linggo! EWE! parang pagkain ng baboy ang hininga mo! how refreshing!
oh last nalang to.
di na nagfafunction utak ko.
BAKIT KAILANGAN PA NATING MATULOG KUNG MAGIGISING DIN TAYO KINABUKASAN?
kasi kung di ka matutulog ngayon, bukas ka makakatulog! (palakpak*)
pero advantage ng di natutulog? pumapayat. at may libreng shades pa. DARK SHADES. di ka na gagastos ng malaki para makabili ng salamin. meron ka na eh. EYEBAGS. mas susyal un. ORGANIC. walang halong chemical. at higit sa lahat, natulungan mo pa si inang earth.
o xia. tulog nako. sa susunod ulit!
pag gumana ulit kakulitan ko. :)) GUDNYT